
Pilipinong Amerikano
Ang katawagang Pilipinong Amerikano o Filipino American[15] o Fil-Am sa Ingles ay maaring tumukoy sa mga sumusunod:
- Pilipino na isinilang sa Estados Unidos (United States o US);
- Pilipino na isinilang sa mga teritoryo ng US, kabilang ang Puerto Rico;
- Pilipino na nagpalit ng pagkamamamayan patungo sa pagiging Amerikano at ng kalaunan ay piniling ipanumbalik ang pagka-Pilipino sa pamamagitan ng reacquisition (pagkuha muli) (Petition for Re-Acquisition/Retention of Philippine Citizenship);
- Pilipino na may magulang na Amerikano at Pilipino;
- Pilipino na may magulang na Filipino American;
- Indibidwal na may dalawang pagkamamamayan (dual citizenship) ng bansang Amerika at Pilipinas; o sa
- Amerikanong nagtataglay ng pagkamamamayang Pilipino alinsunod sa tinadhana ng batas ng Pilipinas.
. . . Pilipinong Amerikano . . .
Ang komunidad ng mga Filipino American ay ang ikalawang pinakamalaking grupo sa pangkat-etnikong Hispano & Asyano-Amerikano. Ang mga Filipino American ay mga tao na ang lahi ay nagmula o nanggaling sa Pilipinas. Sila ay mga Pilipino na naging mga permanenteng residente o mamamayan ng Estados Unidos. Mahigit 2.4 milyon ang mga naitalang tao na Pilipino sa taong 2000, ngunit ito’y binabatikos ng iba at maaari na ang bilang ng mga Pilipino ay nasa 4 milyon.
Karamihan sa mga Filipino American ay nakatira sa California, Lungsod ng New York, at Hawaii. Ang mga Filipino American ang pinakamalaking group na pangkat-etnikong Asyano-Amerikano sa California. Kabilang din dito ay ang mga estado ng Alaska, Maine, Montana, Nevada, North Dakota, Oregon, South Dakota. Ang mga Filipino American ay ang ikalawang pinakamalaki sa Arizona, Florida, Hawaii, Idaho, Indiana, Illinois, Maine, Mississippi, New Jersey, New Mexico, South Carolina, Texas, Virginia at West Virginia. Sila naman ay ikatlong pinakamalaki sa Connecticut, Maryland, Georgia, Minnesota, at Lungsod ng New York.
Sa Northern Marianas, ang mga Filipino American ay ang pinakamalaking pangkat-etniko na kahit anong uri. Ang kanilang populasyon at dalawampu’t porsyento (29%) ng buong territoryo. Sa Guam, sila’y ikalawang pinakamalaking pangkat-etniko ng kahit anong uri. Sa American Samoa, nalagpasan na nila ang mga Samoan at Tongan at itinanghal na pinakamalaking pangkat-etniko.
Ipinagkaloob ng Kongreso ng Amerika ang dalawang buwan na pagdiriwang na pang kulturang Filipino American. Ang Buwan ng Asyano Pasipiko Amerikano ay itinakda sa buwan ng Mayo. Sa pagiging pinakamalaking grupo ng pangkat-etnikong Asyano-Amerikano, ibinigay ang buwan ng Oktubre at ipangalangang Buwan ng Makasaysayang Pilipino Amerikano, isang pagpupugay sa mga isinaunang Pilipino na naglayag patungong California noong 18 Oktubre 1587.
. . . Pilipinong Amerikano . . .