Lawa ng Venado

Ang Lawa ng Venado ay isang endorheikong lawa na nasa paanan ng Bundok Apo sa lalawigan ng Hilagang Cotabato, Mindanao, Pilipinas.[3][4] Isa ito sa pinakamataas na lawa sa loob ng bansa,[5] na matatagpuan sa tugmaang pampook na 7°00′8″N 125°16′10″E,[6][7] na mayroong tinatayang pagkakaangat ng ibabaw na 7,200 mga talampakan (2,194 m sa ibabaw ng antas ng dagat). Ang lawa ay pinadadaluyan sa pamamagitan ng katutubo o lokal na pagtakas ng tubig at walang palabas na agos magmula sa lawa. Ang lawa ay karaniwang nawawalan ng dalawang ikatlo (2/3) ng sukat nito tuwing mga buwan ng tagtuyot dahil sa pagsingaw ng tubig (ebaporasyon).

Lawa ng Venado
Tinatanaw mula sa Bundok Apo
Lokasyon Hilagang Cotabato
Koordinado 7°00′8.34″N125°16′9.54″E
Uri ng Lawa Endorheiko
Mga bansang lunas Pilipinas
Pinakamalalim 20 tal (6.10 m)[1]
Pagkakaangat ng ibabaw 2,194.56 m (7,200.00 tal)[2]
Mga pamayanan Lungsod ng Kidapawan
Mga sanggunian [2]

Ang pangalan ng lawa ay nagmula sa salitang Kastilang“venado”, na nangangahulugang “usa,” dahil sa hugis na parang usa ng lawa.[8] Subalit, tinatawag ng mga katutubong tao na naninirahan sa pook ang lawa bilang “linaw”, isang katagang Tagalog at Cebuano na may ibig sabihing “malinaw”, dahil sa ang tubig ng lawa ay kasinglinaw ng kristal na nagpapaaninag ng ituktok ng Bundok Apo. Ang lawa ay pinaniniwalaang may engkanto o mayroong bumubulong na mga espiritung naninirahan sa lawa, ayon sa mga katutubong tribo ng mga tao.[8]

Ang paligid ng lawa ay isang tanyag na pook ng pagkakamping para sa mga mamumundok na mga Pilipino na papunta sa at iyong mga pababa na mula sa ituktok ng Bundok Apo, ang pinakamataas na bundok sa Pilipinas. Noong 2007, isang mamumundok na Pilipinong bumababa magmula sa ituktok ng Bundok Apo ang nalunod sa lawa.[1][5][9][10][11]

. . . Lawa ng Venado . . .

  1. “Climber dies in Davao’s ‘enchanted’ Mt. Apo lake”. GMANews.TV. 2007-04-08. Nakuha noong 2008-10-16.
  2. “WOW Philippines – Kidapawan City”. Department of Tourism. Tinago mula sa orihinal noong 2007-06-30. Nakuha noong 2008-10-16.
  3. “Davao City”. Tinago mula sa orihinal noong 2006-12-22. Nakuha noong 2008-10-16.
  4. “Region 12 travel attractions highlight of Travel Mart”. Manila Times. 2007-08-15. Tinago mula sa orihinal noong 2008-10-08. Nakuha noong 2008-10-16.
  5. Magbanua, Williamor A. (2007-04-08). “Mountaineer drowns in Apo’s Lake Venado”. Mindanews. Nakuha noong 2008-10-16.[patay na link]
  6. “Lake Venado – Waypoints and Navigational Data”. Nakuha noong 2008-10-16.
  7. “Tourist Attractions in Region 12”. Regional Development Council – Region 12. Tinago mula sa orihinal noong 2008-06-05. Nakuha noong 2008-10-16.
  8. Ledesma, Hunyo (2008-04-11). “The lake in Mt. Apo”. Sunstar. Tinago mula sa orihinal noong 2007-08-19. Nakuha noong 2008-10-16.
  9. Tupas, Jeffrey M. (2007-04-19). “Tourism agency gets blame for Venado death”. Sunstar. Nakuha noong 2008-10-16.[patay na link]
  10. “Davao: Mountaineer’s Death a Blunder of DOT, PAMB”. Davao Today. 2007-04-17. Tinago mula sa orihinal noong 2008-11-21. Nakuha noong 2008-10-16.
  11. Chi, Angely Pamila M. (2007-04-25). “A Davao Mountaineer’s Final Adventure”. Davao Today. Tinago mula sa orihinal noong 2008-12-03. Nakuha noong 2008-10-16.

. . . Lawa ng Venado . . .

This article is issued from web site Wikipedia. The original article may be a bit shortened or modified. Some links may have been modified. The text is licensed under “Creative Commons – Attribution – Sharealike” [1] and some of the text can also be licensed under the terms of the “GNU Free Documentation License” [2]. Additional terms may apply for the media files. By using this site, you agree to our Legal pages . Web links: [1] [2]

. . . Lawa ng Venado . . .

Previous post A Short Hike
Next post Pagbubuno sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 2008