Kurgan, Rusya

Ang lungsod ng Kurgan (Ruso: Курган, IPA [kʊrˈgan]) ay ang sentrong pampangasiwaan at pinakamalaking pamayanan ng Kurgan Oblast sa katimugang bahagi ng Urals Federal District, Rusya. Ang populasyon nito ay 333,606 katao, ayon sa Senso 2010.[4]

Ang artikulo na ito ay tungkol sa lungsod sa Kurgan Oblast, Rusya. Para sa oblast, tingnan ang Kurgan Oblast. Para sa isang uri ng libingang bunton, tingnan ang kurgan.
Kurgan

Курган

Kalye Kuybysheva sa Kurgan

Watawat

Eskudo de armas
Lokasyon ng Kurgan
Kamalian ng lua na sa Module:Location_map na nasa linyang 510: Unable to find the specified location map definition: Module:Location map/data/Russia does not exist
Mga koordinado: 55°28′N65°21′E
Bansa Rusya
Kasakupang pederal Kurgan Oblast[1]
Itinatag 1679
Katayuang lungsod mula noong 1782
Pamahalaan

  Konseho City Duma[2]
  Pinuno Elena Vyacheslavovna Sitnikova
(Елена Вячеславовна Ситникова)
Lawak

[3]
  Kabuuan 393 km2 (152 milya kuwadrado)
Taas

75 m (246 tal)
Populasyon

 (Senso noong 2010)[4]
  Kabuuan 333,606
  Taya 

(2018)[5]
318,045 (−4.7%)
  Ranggo Pang-53 in 2010
  Kapal 850/km2 (2,200/milya kuwadrado)
  Subordinado sa Lungsod ng Kurgan sa ilalim ng hurisdiksiyon ng oblast[1]
  Kabisera ng Kurgan Oblast[1], Lungsod ng Kurgan sa ilalim ng hurisdiksiyon ng oblast[1]
  Urbanong okrug Kurgan Urban Okrug[6]
  Kabisera ng Kurgan Urban Okrug[6]
Sona ng oras UTC+5 (Yekaterinburg Time [7])
(Mga) kodigong postal[8]
6400хх
(Mga) kodigong pantawag +7 3522
OKTMO ID 37701000001
Websayt kurgan-city.ru

Tahanan ang lungsod ng Kurgan State University. Hanggang sa taong 1782, tinawag na Tsaryovo Gorodishche ang Kurgan.

. . . Kurgan, Rusya . . .

Kurgan noong dekada-1850

Itinatag dito ang isang pamayanang urbano sa pagitan ng 1659 at 1662 bilang Tsaryovo Gorodishche (Царёво Городи́ще). Ang nagtatag ay si Timofey Nevezhin, isang magsasaka mula Tyumen. Sa sumunod na mga taon napaunlad ito bilang isang bayang muog. Naglingkod ito bilang hangganang himpilan. Dahil sa nakukutaang puwesto nito, nagagawa nitong ipagtanggol ang ibang mga pamayanang Ruso mula sa pagala-galang mga mananalakay. Gayunpaman, hindi kaya nitong makatitindig ang gayong mga pananalakay sa lahat ng pagkakataon, at ito ay minsang dinambungan at sinunog.

Ginawaran ang Tsaryovo Gorodishche ng mga pribilehiyong panlungsod ni Emperatris Catherine ang Dakila noong 1782. Sa puntong ito nakamit din nito ang kasalukuyang pangalan at naging punong lungsod ng isang uyezd. Ang kasalukuyang pangalan ay hinango mula sa isang malaking kurgan (isang uri ng libingang bunton o burial mound) malapit sa naunang pamayanan.

Binigyan ito ng eskudo de armas noong Marso 17, 1785, at naging sentrong pampangasiwaan ng Kurgan Oblast noong 1943. Ginawaran ito ng Orden ng Pulang Bandila ng Paggawa noong 1982.

. . . Kurgan, Rusya . . .

This article is issued from web site Wikipedia. The original article may be a bit shortened or modified. Some links may have been modified. The text is licensed under “Creative Commons – Attribution – Sharealike” [1] and some of the text can also be licensed under the terms of the “GNU Free Documentation License” [2]. Additional terms may apply for the media files. By using this site, you agree to our Legal pages . Web links: [1] [2]

. . . Kurgan, Rusya . . .

Previous post Adam Heydel
Next post Yatterman