Kalambatan ng Bitcoin

Ang kalambatan ng bitcoin (Ingles: bitcoin network) ay isang kauri-sa-kauring kalambatang pambayad na pinapatakbo ng kriptograpikong protokol. Ang mga gumagamit nito ay pwedeng magpadala at tumanggap ng mga bitcoin, ang yunit ng salapi, sa pamamagitan ng pagbobroadkast ng mga mensaheng pirmadong digital patungo sa kalambatan gamit ang software ng bitcoin na pitakang pansalaping kripto. Itinatala ang mga transaksyon sa pamamahagi, pagkopya sa publikong talaan mas kilala bilang blockchain na may kasunduang makakamit gamit ang sistema ng proof-of-work o mas kilala bilang pagmimina. Sinabi ni Satoshi Nakamoto, ang tagadisenyo ng bitcoin, na nagsimula noong 2007 ang antangan at pagkodigo ng bitcoin. Pinasapubliko ang proyekto noong 2009 bilang open source software.

Isang guhitin ng paglipat ng bitcoin
Mga numero ng mga transaksyon ng bitcoin kada buwan (logpauliting talasukatan)[1]

Kaunting istraktura lamang ang kailangan ng kalambatan upang ibahagi ang mga transaksyon. Sapat na ang ad hoc na desentralisadong kalambatan ng mga boluntaryo. Binobrodkast ang mga mensahe sa batayang pinakamahusay, at maaaring umalis at sumali muli ang mga node sa network. Sa pagkokonekta muli, nagda-download at nagpapatunay ang node ng mga bagong bloke mula sa iba pang mga node upang makumpleto ang lokal na kopya ng blockchain.[2][3]

. . . Kalambatan ng Bitcoin . . .

Aktwal na transaksyon ng bitcoin na may kaakibat na bayarin mula sa webbased cryptocurrency exchange patungo sa hardware wallet.
Ang best chain      binubuo ng pinakamahabang serye ng mga lathala ng transaksyon mula sa genesis block      sa kasalukuyang block o lathala. Mga talaan ng orphane      umiiral sa labas ng honest chain

Tumutukoy ang bitcoin sa pagkakasunud-sunod ng pirmadong digital na mga transaksyon na nagsisimula sa paglikha ng bitcoin, bilang premyo ng bloke. Pwedeng maglipat ng bitcoin ang nagmamay-ari ng isang bitcoin sa pamamagitan ng paglagda ng isang digital na transakyon ng bitcoin patungo sa susunod na may-ari, tulad ng pagtataguyod ng isang tradisyunal na tseke sa bangko. Maaaring suriin ng isang nagbabayad ang bawat nakaraang transaksyon upang beripikahin ang pakakilalan nito. Hindi tulad ng tradisyonal na pag-endorso ng tseke, hindi na maibabalik ang mga transaksyong bitcoin na nagtatanggal ng sanhi ng pandaraya tulad ng panlolokong chargeback.

Bagaman posible na mahawakan ang mga bitcoin nang paisa-isa, nakakaabala ito dahil kailangan ng hiwalay na transaksyon sa bawat transaksyon ng bitcoin. Maaaring maglaman ang mga transaksyon ng maraming input at output, at ang mga bitcoin ay pwedeng hati-hatiin at pagsamahin. Ang mga karaniwang transaksyon ay magkakaroon ng isang solong input mula sa isang mas malaking nakaraang transaksyon o maraming input na pagsasama ng mas maliit na halaga, at isa o dalawang output: ang isa para sa pagbabayad, at isa na ibabalik ang sukli, kung mayroon man, sa nagpadala. Ang anumang pagkakaiba sa pagitan ng kabuuang halaga ng input at output ng isang transaksyon ay napupunta sa mga minero bilang bayad sa transaksyon.

. . . Kalambatan ng Bitcoin . . .

This article is issued from web site Wikipedia. The original article may be a bit shortened or modified. Some links may have been modified. The text is licensed under “Creative Commons – Attribution – Sharealike” [1] and some of the text can also be licensed under the terms of the “GNU Free Documentation License” [2]. Additional terms may apply for the media files. By using this site, you agree to our Legal pages . Web links: [1] [2]

. . . Kalambatan ng Bitcoin . . .

Previous post Yatterman
Next post Homoseksuwalidad