Homoseksuwalidad

Ang homoseksuwalidad[1] o homosekswalidad ay romantikong atraksiyon, atraksiyong seksuwal o gawaing seksuwal sa mga kasapi ng magkatulad na kasarian. Ito ay bahagi ng katangian o katauhan ng isang tao. Bilang isang seksuwal na orientasyon, tumutukoy ang homoseksuwalidad sa “permanenteng pagnanais na makaranas ng seksuwal, magiliw, o romantikong atraksiyon” pangunahin o natatangi sa mga taong katulad na kasarian. “Tumutukoy din ito sa pagkakakilanlang pampersonal o panlipunan batay sa mga nabanggit na atraksiyon, mga kilos na ipinapakita nila, at sa pagsanib sa komunidad kung saan sila kabahagi.”[2][3]

Oryentasyong seksuwal
Mga Oryentasyong seksuwal
Non-binary categories
  • Androphilia and gynephilia
  • Panseksuwalidad
  • Poliseksuwalidad
  • Intersexuality
  • Third gender
  • Two-Spirit
Research
  • Biology
  • Human female sexuality
  • Human male sexuality
  • Demographics
  • Environment
  • Iskalang Kinsey
  • Klein Grid
  • Neuroscience
  • Non-heterosexual
  • Sikolohiya
  • Queer studies
  • Seksolohiya
  • Timeline of sexual orientation and medicine
Non-human animals
Homosexual behavior in animals (List)
  • Category
Homoseksuwalidad
Watawat na sagisag ng pamayanan (komunidad) ng homoseksuwal. Ang iba ibang kulay ng bahaghari (rainbow) ay sumasagigsag sa pagkakaiba-iba o dibersidad sa homoseksuwal na komunidad.

Isa ang homoseksuwalidad sa tatlong pangunahing kaurian ng oryentasyong seksuwal, kasama nang biseksuwalidad at heteroseksuwalidad. Ayon sa mga siyentipiko at sa pagkakaunawang medikal, ang oryentasyong seksuwal ay hindi pinipili, bagkus ay isang komplikadong pagsasama ng mga dahilang biolohikal at pangkapaligiran.[2][4] Bagamat mayroon pa rin naniniwala na ang mga gawaing homoseksuwal ay “hindi natural” o “dispunksiyunal”,[5][6] ipinapakita ng mga pagsasaliksik na ang homoseksuwalidad ay isang halimbawa ng normal at natural na kaurian ng seksuwalidad ng tao at hindi ng isang epekto ng negatibong pag-iisip.[2][7] Ang panghuhusga at diskriminasyon laban sa mga taong homoseksuwal at biseksuwal (homophobia) gayunman ay nagpapakita ng isang malaking epekto pang-silohikal, at mas lalong nakasisira sa mga batang homoseksuwal at biseksuwal.[7][8]

Pinakatalamak na salitang ginagamit sa mga taong homoseksuwal ang lesbyan o tomboy para sa mga babae at bakla o beki para sa mga lalaki. Ang bilang ng tao na nagsasabi na sila ay bakla o lesbyan at ang bilang ng taong may karanasang seksuwal sa katulad na kasarian ay mahirap sukatin para sa mga mananaliksik dahil sa iba’t ibang mga kadahilanan, kabilang na ang maraming mga bakla ang hindi bukas sa paglaladlad dahil sa resulta ng homophobia at diskriminasyong heteroseksismo.[9] Ang mga kilos homoseksuwal ay naidokumento at naitala rin sa maraming espesye ng hayop.[10][11][12][13][14]

Maraming mga bakla at lesbiyana ang tapat sa mga ugnayan ng magkatulad na kasarian, subalit kamakailan lamang nagkaroon ng mga uri ng senso at kaisipang pampolitika na magsasagawa upang ipakita ang kanilang hanay.[15][16][17][18][19][20][21][22][23][24]

. . . Homoseksuwalidad . . .

Nagmula ang salitang homoseksuwal sa pinagsamang salitang Griyego at Latino, na ang unang bahagi ay hango sa Griyegong salita na ὁμός homos, ‘katulad’ (hindi kaugnay ng homo sa Latino, na nangangahulugang ‘tao’, gaya ng sa Homo sapiens), kaya nangangahulugang mga kilos seksuwal at pag-ibig sa pagitan ng dalawang kasapi ng magkatulad na kasarian, kasama na ang lesbyanismo.[25][26] Natagpuan ang pinakaunang alam na nailimbag na homoseksuwal sa isang polyetong Aleman noong 1869 ng isang Austriyanong nobelista na si Karl-Maria Kertbeny, at hindi alam kung sino ang naglimbag,[27] na naglalaman ng pagkukundena laban sa batas kontra sodomya ng Prusya.[27][28] Noong 1879, ginamit ni Gustav Jäger ang katawagan ni Kertbeny sa kanyang aklat na Discovery of the Soul (1880).[29] Noong 1886, ginamit ni Richard von Krafft-Ebing ang katawagang homoseksuwal at heteroseksuwal sa kanyang aklat na Psychopathia Sexualis, na maaaring hiniram niya kay Jäger. Naging tanyag ang aklat ni Kraff-Ebing sa mga karaniwang tao at mga manggagamot (doktor) at ang mga terminong “heteroseksuwal” at “homoseksuwal” ay ang pinakalaganap na ginagamit na termino para sa oryentasyong seksuwal.[30][31]

Sa mga bansang gumagamit ng Ingles, karaniwan at katanggap-tanggap ang salitang “gay” upang tukuyin ang isang homoseksuwal. Sa Pilipinas, “bakla”‘ ang karaniwang katumbas ng homoseksuwal, ngunit sumasakop din ang salitang ito sa ibang oryentasyon seksuwal na sa istriktong kahulugan ng salitang homoseksuwal (na eksklusibong atraksiyon sa katulad na kasarian) ay hindi kabilang dito. Kabilang sa tinatawag na bakla ang mga biseksuwal (silahis), transeksuwal, mga kilos babae, at minsan ay ang mga malamya kumilos. Tumutukoy sa taong may magkatulad na atraksiyon sa parehong babae at lalaki ang biseksuwal. Samantala, transeksuwal ang tawag sa mga taong tinuturing ang kanilang sarili na kabaligtad ng kanilang kasarian. Ang oryentasyong seksuwal ay nararamdamang atraksiyong sekswal samantalang ang pagkakakilanlang pangkasarian ay paghahayag ng nararamdamang kasarian na kinabibilangan. Bukod sa salitang bakla, ang mga binabae (babaeng kumilos) na kinabibilangan ng mga transeksuwal at nagdadamit babae (crossdresser) ay tinatawag ding “binabae”, “bading”, “siyoke”, “sirena”, “beki” at iba pa. Ang mga bakla naman na kumikilos lalake ay tinatawag na “paminta” mula sa pa-men o pa-min na nangangahulugang “nagpapakalalake”. Ang tomboy na iba ang kahulugan sa ibang bansa gaya ng Estados Unidos ay ginagamit sa Pilipinas para sa mga lesbiyana o mga babaeng may atraksiyon sa kapwa babae at sa mga lalaking transkekswal (ipinanganak na babae).

Ang pagtingin ng lipunan tungo sa kaugnayan ng magkatulad na kasarian ay iba-iba ayon sa panahon at lugar, mula sa ang lahat ay inaasahang magkaroon ng kaugnayan sa katulad na kasarian, sa kaswal na pakikisama, sa pagtanggap ng lipunan, hanggang sa pagtingin dito bilang isang maliit na kasalanan, at pagtuligsa sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga batas at mga mekanismong panghusga, at paglalagay nito sa parusang kamatayan.

. . . Homoseksuwalidad . . .

This article is issued from web site Wikipedia. The original article may be a bit shortened or modified. Some links may have been modified. The text is licensed under “Creative Commons – Attribution – Sharealike” [1] and some of the text can also be licensed under the terms of the “GNU Free Documentation License” [2]. Additional terms may apply for the media files. By using this site, you agree to our Legal pages . Web links: [1] [2]

. . . Homoseksuwalidad . . .

Previous post Kalambatan ng Bitcoin
Next post Talaan ng mga himpilan ng GMA Network