Bentong

Si Domingo Vusotros Brotamante Jr. o mas kilala bilang Bentong (Enero 12, 1964 – Pebrero 9, 2019) ay isang komedyante mula sa Pilipinas. Siya ay naging talento ng ABS CBN Network.

Huwag ikalito sa aktor o Betong Sumaya.
Bentong

Si Bentong bilang “Macoy” sa pelikulang Shake, Rattle & Roll XV noong 2014
Kapanganakan
Domingo Vusotros Brotamante Jr.

12 Enero 1964(1964-01-12)[1]

Namatay 9 Pebrero 2019(2019-02-09) (edad 55)[1]

Nasyonalidad Pilipino
Trabaho Artista
Ahente Star Magic
Telebisyon Wowowee, Magandang Tanghali Bayan
Asawa Cecille Bernal[4]
Anak 4[5]

. . . Bentong . . .

Ipinanganak si Bentong sa Tabaco, Albay noong Enero 12, 1964.[2] Bago maging artista, siya ay nasa likod ng kamera bilang nagdedekorasyon ng set at nag-oopera ng crane.[6] Bukod doon, naging kawani sa produksyon (production assistant) din siya sa ABS-CBN.[7] Hanggang binigyan siya ni Willie Revillame ng pambihirang pagkakataon na pumasok sa kanyang programa[2] at nang naglaon, lumabas siya bilang katuwang na host ni Revillame sa kanyang mga variety show, partikular ang Wowowee.[8]

Bagaman noon pa man dekada 1990, lumalabas na siya sa mga pelikula. Ang una niyang paglabas sa pelikula ay sa pelikula ni Dolphy na Home Along da Riles da Movie bilang tagapagmaneho ng karakter ni Cita Astals[9] at naka-kredito siya bilang Boyet Rotamente. Kabilang sa iba pang mga pelikulang nilabasan niya ang Jologs (2002), The Adventures of Pureza: Queen of the Riles (2011) at Shake Rattle & Roll XV (2014).[8][9] Bukod sa mga variety show sa telebisyon, lumabas din siya sa iba’t ibang seryeng pantelebisyon. Isa na dito ang pagbida bilang si Mang Jules sa seryeng komedyang pangkabataan na Luv U.[8][9] Kabilang sa ilan pang mga palabas sa telebisyon na lumabas siya ang Toda Max, Home Along Da Riles[10] at Ariba! Ariba!.

Noong Pebrero 9, 2019, dinala si Bentong sa isang ospital sa Lungsod Quezon dahil sa atake sa puso dulot ng komplikasyon ng diabetes.[4] Noong mga 5:00 ng madaling araw, idineklarang patay na siya nang dumating sa ospital.[3]

. . . Bentong . . .

This article is issued from web site Wikipedia. The original article may be a bit shortened or modified. Some links may have been modified. The text is licensed under “Creative Commons – Attribution – Sharealike” [1] and some of the text can also be licensed under the terms of the “GNU Free Documentation License” [2]. Additional terms may apply for the media files. By using this site, you agree to our Legal pages . Web links: [1] [2]

. . . Bentong . . .

Previous post Charade (pelikula noong 1963)
Next post A Short Hike