Lansangang N1 (Pilipinas)

Ang Pambansang Ruta Blg. 1 (N1) ay ang pangunahing pambansang lansangan sa Pilipinas na dumadaan mula Luzon hanggang Mindanao. Maliban sa 19 na kilometro (o 12 milyang) puwang sa Kalakhang Maynila at mga ugnayan ng ferry, karaniwang tuluy-tuloy ang lansangan. Karamihang bahagi ng N1 ay bumubuo sa Pan-Philippine Highway maliban sa mga bahaging nilalampasan ng mga mabilisang daanan.

Huwag ikalito sa Daang Maharlika o Asian Highway 26.

Pambansang Ruta Blg. 1 (N1)

Palatandaan ng N1-AH26 sa bahaging Gapan ng Daang Maharlika
Impormasyon sa ruta
Haba 3,666 km (hindi kasama ang 19 kilometro (12 mi) na puwang sa Kalakhang Maynila at mga bahagi sa Bangsamoro na may kabuoang 112 kilometro (70 mi)) (2,278 mi)
Umiiral 2014–kasalukuyan
Bahagi 1
Haba 1,410 km (880 mi)
Dulo sa hilaga N2 sa Laoag
Pangunahing
daanan
Dulo sa timog
Luzon (Muntinlupa-Matnog)
Haba 784 km (487 mi)
Dulo sa hilaga E2 / AH26 / N411 / N142 in Alabang, Muntinlupa
Pangunahing
daanan
Dulo sa timog Pantalan ng Matnog
Silangang Kabisayaan
Haba 397 km (247 mi)
Dulo sa hilaga
  • Allen Ferry Terminal
Pangunahing
daanan
Dulo sa timog Pantalan ng Liloan
Mindanao
Haba 1,074.5 km (667.7 mi)
Dulo sa hilaga Pantalan ng Lipata sa Lungsod ng Surigao
Pangunahing
daanan
Dulo sa timog Lungsod ng Zamboanga
Lokasyon
Mga lawlawigan Ilocos Norte, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Nueva Ecija, Bulacan, Kalakhang Maynila, Laguna, Batangas, Quezon, Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Hilagang Samar, Samar, Silangang Samar, Leyte, Katimugang Leyte, Surigao del Norte, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Davao de Oro, Davao del Norte, Davao del Sur, Sarangani, Timog Cotabato, Lanao del Norte, Zamboanga del Sur, Zamboanga Sibugay
Sistema ng mga daan
Mga daanan sa Pilipinas

AH26 N2

. . . Lansangang N1 (Pilipinas) . . .

Sinusunod ng N1 ang rutang dumadaan mula Laoag sa Ilocos Norte hanggang Lungsod ng Zamboanga sa pamamagitan ng Kabikulan, Silangang Kabisayaan at silangang bahagi ng Mindanao. Ini-uugnay ng lansangan ang karamihan sa mga sentrong panrehiyon sa kahabaan ng ruta, at dumadaan sa iba’t-ibang mga tanawin. Karamihan sa lansangan ay nakapangalang Lansangang Maharlika o Daang Maharlika (Maharlika Highway), ngunit gumagamit ang ibang mga bahagi ng ibang mga pangalan.

N1 sa Laoag

Nagsisimula ang N1 sa Laoag, sa upong ng Lansangang MacArthur (N2) sa harap ng Kapitolyong Panlalawigan ng Ilocos Norte. Dadaan ito bilang Abenida Heneral Segundo (General Segundo Avenue), isa sa mga pangunahing lansangan ng lungsod na dumadaan sa kabayanan nito at patungo sa labas nito. Pagpasok sa Bacarra, ito ay nagiging pangkabukirang lansangan na nililinyahan ng 69,000 boltaheng linya ng kuryente na tumatanggap ng kuryente mula sa Bangui Wind Farm. Nilalagpasan ng lansangan ang kabayanan ng Bacarra sa hilaga at tutungo ito sa pangkabukirang pook at pagkatapos papasok sa Pasuquin, kung saang nagsisilbi itong pangunahing pambayang kalye. Ito ay nagiging pangkabukirang lansangan na may dalawang landas mula Bacarra hanggang Burgos na malapitang kalinya ang linyang transmisyon mula Burgos Wind Farm at dadaan sa mga kalat-kalat na barangay sa kahabaan ng baybay-dagat ng Dagat Timog Tsina (o Dagat Kanlurang Pilipinas). Aakyat ito sa mga bundok pagdating nito sa Burgos, kung saang tuwirang naglilingkod ito sa bayan. Magliliku-liko ang lansangan sa baku-bakong lupa at matutunghan ang dalampasigang kinaroroonan ng Bangui Wind Farm. Dadaan naman ito sa Bangui na kung saang nagsisilbi itong pangunahing kalye nito. Tatawirin nito ang Ilog Bulu at papasok sa Pagudpud kung saang nilalagpasan ng N1 ang kabayanan nito. Dadaan ang N1 sa mga paanan ng bundok na tanda sa dulo ng Cordillera ng Hilagang Luzon at dadaan malapit sa baybay-dagat ng Bambang ng Bashi, kung saang liliku-liko ang lansangan sa mga bangin. Sa ibaba ng Bundok Patapat, dadaan ang lansangan sa Biyadukto ng Patapat, isang 630 metro o 0.39 milyang mahabang tulay o biyadukto na kinakailangan upang makadaan ang lansangan sa mga matarik na bangin na tumatanda sa hilagang dulo ng Luzon Cordillera.

. . . Lansangang N1 (Pilipinas) . . .

This article is issued from web site Wikipedia. The original article may be a bit shortened or modified. Some links may have been modified. The text is licensed under “Creative Commons – Attribution – Sharealike” [1] and some of the text can also be licensed under the terms of the “GNU Free Documentation License” [2]. Additional terms may apply for the media files. By using this site, you agree to our Legal pages . Web links: [1] [2]

. . . Lansangang N1 (Pilipinas) . . .

Previous post Alexandria
Next post Sukat