Guyabano

Ang guyabano, guayabano, guwayabano o guwebano (Ingles: soursop) ay isang uri ng prutas o puno na may bilugang mga bunga.[1][2]

Guyabano
Bunga ng guyabano, hiniwa
Klasipikasyong pang-agham
Kaharian: Plantae
Klado: Tracheophytes
Klado: Angiosperms
Klado: Magnoliids
Orden: Magnoliales
Pamilya: Annonaceae
Sari: Annona
Espesye:
A. muricata
Pangalang binomial
Annona muricata

. . . Guyabano . . .

Soursop(Ingles), guanábana (Kastila), graviola (Portuguese), Brazilian pawpaw, guyabano, corossolier, guanavana, toge-banreisi, durian benggala, nangka blanda, sirsak, nangka londa, mullaatha(Malayalam), shul-ram-fal at hanuman fal.

Ang halamang guyabano ay itinatanim at pinalalago bilang isang pangkalakalan (commercial) na pananim dahil sa prutas nitong may sukat na 20–30 cm /7.87-11.8 pulgada at may timbang na aabot sa 2.5 kg/5.5 lbs. Ang guyabano ay umaangkop sa mga lugar na may mataas na humidad at relatibong medyo mainit na taglamig. Ang temperaturang mababa sa 5 °C/41 °F ay magsasanhi ng pinsala sa mga dahon at maliliit na sanga nito at ang mga temperaturang mababa sa 3 °C/37.4 °F ay nakamamatay sa halamang ito.

Ang halamang ito ay katutubo sa Sentral Amerika, Caribbean, hilagang Timog Amerika, Colombia, Brazil gayundin sa ilang mga bahagi ng Timog Silangang Asya kabilang ang Pilipinas at Indonesia. Malayo sa mga katutubong tinutubuan nito, may ilang mga limitadong produksiyon sa timog Florida ngunit ito ay itinatanim sa mga hardin para sa lokal na konsumpsiyon.

Ang laman ng prutas na ito ay binubuo ng makakaing puting pulpo at panloob na hindi dihestibleng mga itim na buto. Ang matamis na pulpo ay ginagamit upang gumawa ng juice gayundin bilang pampalasa sa iba’t ibang pagkain.

Ang prutas na ito ay mataas sa carbohydrate partikular na sa fructose. Ito ay naglalaman rin ng malaking mga mahalaga ng bitamina C, bitamina B1 at bitamina B2.

Ang prutas, mga buto at dahon ng guyabano ay may ilang mga gamit na herbal medisina sa mga katutubong mga mamamayan ng mga rehiyon kung saan ang halamang ito ay karaniwan.

Ang isang pagsasaliksik na isinagawa sa Caribbean ay nagmungkahi ng koneksiyon sa pagitan ng pagkain ng guyabano at atipikal(hindi karaniwan) na mga anyo ng sakit na Parkinson sanhi ng sobrang taas na konsentrasyon ng annonacin nito. [3][4][5][6] Ang mga pagsasaliksik ay nagpakitang ang araw araw na konsumpsiyon(pagkain) sa mga daga(3.8 at 7.6 mg kada kg kada araw sa loob ng 28 araw) ng guyabano ay nagsanhi ng mga lesyon sa utak ng mga ito na konsistente sa sakit na Parkinson.[7][8]

Kasama ng ilang mga acetogenin, ang annonacin ay iniulat na humaharang ng mitochondrial complex I (NADHdehydrogenase) na responsable sa konbersiyon ng NADH sa NAD+ at sa pagpuno ng proton gradient sa ibabaw ng panloob na membrano ng mitochondria(mitochondrial inner membrane). Ito ay epektibong nagsasara ng kakayahan ng isang selula na lumikha ng ATP sa pamamagitan ng landas oxidatibo na sa huli ay pumupwersa sa isang selula sa isang apoptosis(natural na kamatayan ng selula) o necrosis(kamatayan sanhi ng panlabas na sanhi).[9]

Bulaklak ng Guyabano (Soursop Flower)

. . . Guyabano . . .

This article is issued from web site Wikipedia. The original article may be a bit shortened or modified. Some links may have been modified. The text is licensed under “Creative Commons – Attribution – Sharealike” [1] and some of the text can also be licensed under the terms of the “GNU Free Documentation License” [2]. Additional terms may apply for the media files. By using this site, you agree to our Legal pages . Web links: [1] [2]

. . . Guyabano . . .

Previous post Wikang Portuges
Next post Wikaing Jeju