Enerhiya sa Aserbayan

Inilalarawan ng enerhiya sa Aserbayan ang produksyon, pagkonsumo, at pagluwas ng enerhiya at kuryente sa Aserbayan.

. . . Enerhiya sa Aserbayan . . .

Itinayo ang plantang hidroelektriko ng Araz na may kabuuang kapasidad na 22 MW noong 1970, ang plantang hidroelektriko ng Tartar na may kabuuang kapasidad ng 50 MW noong 1976 at plantang hidroelektriko ng Shamkir na may kabuuang kapasidad na 380 MW noong 1982.[1]

Noong panahong iyon, sistematikong binuo ang mga elektrikong kalagatan, kasama ang pagtatayo ng mga planta dekuryente, at nilikha ang sistema ng napapanatiling enerhiya ng bansa. Sa mga taong iyon, naipatakbo ang “Ali Bayramli” plantang initan na may 330 kV – “Aghdam – Ganja – Aghstafa”, “Ali Bayramli – Yashma – Derbent”, Ika-5 Mingachevir, 500kV Ika-1 at Ika-2 Absheron, “Mukhranis – Vali” at ibang linya ng kuryente, “Yashma”, “Ganja”, “Agstafa” na may 330/110/10 kV, Imishli na may 330/110/10 kV, Absheron na may 500/330/220 kV, “Hovsan”, “Nizami”, “Mushfig”, “Sangachal”, “Masalli”, “Agsu” at “Babek” na may 220/110/10 elektrikong kubhimpilan.[2]

Ipinagkaloob ang utang na may halagang $53 milyon sa Azerbaijan ng Europeong Bangko ng Mulinyari at Kaunlaran para sa pagtatayo ng plantang hidroelektriko ng Yenikend (HPD ng Yenikend) noong Disyembre 1995, at itinayo ang HPD ng Yenikend na may kabuuang kapasidad ng 150 MW.[3]

Isinakatuparan ang mulinyari ng plantang hidroelektriko ng Mingachevir, kubhimpilang 330 kV Aghjabadi at 110 kV Barda, at 330kV Plantang Initan ng Azerbaijan – 330 kV linya ng paghahatid ng “Agjabadi-Imishli” sa gastos ng Europeong Bangko ng Mulinyari at Kaunlaran at ang Islamikong Bangko sa Pag-uunlad.[4]

Kinomisyon noong 2002 ang dalawang yunit ng turbinang gasolina na may tig-53.5 MW na kapasidad sa plantang initan ng Baku sa gastos ng Alemanong bangko – Bayerische Landesbank Girozentrale, at isang plantang singaw na gas na 400MW ng “Shimal” sa gastos ng Haponesang Bangko ng Pandaigdigang Kooperasyon.[5]

Noong Pebrero 14, 2005, inaprubahan ng pinuno ng estado ang Programa ng Estado sa “Pagpapaunlad ng Hugnayan ng Sunugin at Enerhiya (2005-2015) sa Republika ng Azerbaijan”.[6]

Lahatang binayaran ang pangangailangang elektrisidad ng ekonomiya ng bansa ng 12 plantang initan tulad ng IPD ng Azerbaijan, IPD ng Shirvan, IPD ng Shimal, IPD ng Baku, IPD ng Nakhchivan, planta dekuryente ng Astara, Khachmaz, Sheki, Nakhchivan, Baku, Quba, Sangachal, at 6 na tubigang planta dekuryente tulad ng, Mingechevir, Shamkir, Yenikend, Varvara, Araz, Vaykhir TPD. 5900 megawatts ang kabuuang kapasidad ng mga ito. Mananagot ang IPD ng 90 porsyento ng produksyon ng kuryente sa Azerbaijan, at plantang hidroelektriko para sa 10 porsiyento.[2]

Itinatag ang Ahensya ng Regulasyong Pang-enerhiya sa ilalim ng Ministro ng Enerhiya batay sa Kagawaran ng Enerhiya ng Estado at Pangangasiwa ng Gas ng Ministro ng Enerhiya ng Republika ng Aserbayan sa pamamagitan ng atas ng pangulo na may petsang Disyembre 22, 2017, at naaprubahan ang karta nito.[7]

Ayon sa Talatuntunan ng Pandaigdigang Trilema ng Enerhiya na binuo ng Pandaigdigang Konseho ng Enerhiya para sa 2017, kinuha ng Aserbayan ang ika-31 lugar (BBA) sa mga 125 bansa.[8]

Ayon sa ulat ng Talatuntunan ng Pagganap sa Pandaigdigang Arkitektura noong 2017, na pinagsama-sama ng Pandaigdigang Pagtitipon Pang-ekonomika, niranggo ang Azerbaijan bilang ika-36 sa 127 bansa na may markang 0.67.[9]

Ayon sa ulat noong 2016 mula sa organisasyong nabanggit sa itaas, niranggo ang Aserbayan bilang ika-32 sa 126 bansa na may 0.68 puntos. 0.68 rin ang marka sa ekonomikang paglago at pag-unlad, 0.57 ang puntos ng pagpapanatili ng kapaligiran, at 0.79 ang puntos sa access at seguridad ng enerhiya.[10]

Noong Abril 19, 2019, pumirma ng isang kontrata na nagkakahalaga ng $6 bilyon ang presidente ng SOCAR na si Rovnag Abdullayev at rehiyonal presidente ng BP para sa Aserbayan, Georgia, at Turkey, si Garry Johns. Pinagtibay ang huling desisyong pamumuhunan sa plataporma ng Azeri Central East (ACE), na pinlano na itatayo sa bloke ng Azeri-Chirag-Gunashli (ACG), sa seremonya ng paglagda. Naka-iskedyul na magsimula ang konstruksiyon sa 2019, at naka-iskedyul ang pagkumpleto sa kalagitnaan ng 2022.[11][12][13][14]

. . . Enerhiya sa Aserbayan . . .

This article is issued from web site Wikipedia. The original article may be a bit shortened or modified. Some links may have been modified. The text is licensed under “Creative Commons – Attribution – Sharealike” [1] and some of the text can also be licensed under the terms of the “GNU Free Documentation License” [2]. Additional terms may apply for the media files. By using this site, you agree to our Legal pages . Web links: [1] [2]

. . . Enerhiya sa Aserbayan . . .

Previous post Sukat
Next post Kilusang Reporma sa Lupa (Tsina)